Kinuwestiyon ni dating Presidential spokesperson at chief legal counsel Atty. Salvador Panelo ang mga alegasyon ni retired Col. Royina Garma na si Duterte ang utak ng war on drugs na may kasamang ‘cash rewards’.
Ayon kay Atty. Panelo, lahat ng sinabi ni Garma ay malinaw na ‘hearsay’ o sabi-sabi lamang, base na rin sa mga impormasyon na kanyang binanggit na ipinarating lamang sa kanya at wala umano siyang personal na alam hinggil dito.
Dagdag pa niya na maaaring may tumakot kay Garma upang sabihin ang mga ganitong klaseng salaysay para tukuyin ang dating Pangulo.
Samantala, sinabi rin ni Panelo na kung hindi talaga sangkot si Garma sa sinasabing ‘Davao’s drug war model’, hindi niya dapat alam ang mga ganitong bagay.
Tinukoy rin Panelo na ang mga sinabi ni Garma hinggil sa ‘Davao model of payment and rewards’ ay purong imahinasyon at spekulasyon lamang.