Itinuloy pa rin ng beteranong singer na si Gary Valenciano ang kaniyang konsyerto sa Araneta Coliseum kahit ito ay dinaramdam.
Sinabi ng asawa nitong si Angeli Pangilinan, na bahagyang naantala ang pagsisimula ng konsiyerto nitong “Pure Energy: One More Time” nitong Biyernes ng gabi.
Dagdag pa nito na mayroong nakain ito na nagdulot ng kaniyang pagsusuka ng ilang beses sa loob ng dalawang oras.
Itinuloy ang konsiyerto habang mayroong naka-standby na doctor sa likod ng stage.
Ipinilit ni Gary V ang konsiyerto kung saan nakakanta lamang ito ng anim na kanta.
Hindi na niya tinapos ang konsyerto at dinala na siya agad sa pagamutan.
Dagdag pa ng asawa nito na ipagpatuloy ang pagdarasal subalit hindi na niya binanggit pa ang dahilan ng kaniyang sakit.
Magugunitang mula pa noong 14-anyos pa lamang ang singer ay ibinunyag niyang mayroon na itong diabetes.