-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Gary Valenciano na kabilang siya na magtatanghal sa reunion concert ng Eraserheads sa Disyembre 22.

Ibinahagi ng tinaguriang Mr. Pure Energy ang mga larawan sa rehearsals kasama ang banda.

Ang anak kasi nito na si Paolo Valenciano ang director ng “Huling El Bimbo” concert ng banda.

Ipapakia rin sa nasabing concert ang makabagong drone show ganun din ang hologram ng namayapang master rapper na si Francis Magalona.

Makakasama rin ng banda ang 18-piece orchestra.
Gaganapin ang concert sa Disyembre 22 sa SMDC Festival Grounds sa lungsod ng Paranaque.