-- Advertisements --
caloy carlos yulo 1

Maging ang singer legend na si Gary valenciano ay hindi rin nagpahuli sa pagbati sa Pinoy Olympian na si Carlos “Caloy” Yulo kahit nabigo ito sa kanyang laban sa vault finals.

Una nang pumang-apat na pwesto si Yulo mula sa walong mga atleta na umusad sa finals sa vault apparatus.

Ayon kay Valenciano, hindi man nanalo si Yulo darating din daw ang araw ay masusungkit niya ang medalya sa Olimpiyada.

“Kept up with Carlos Yulo’s performance only via Twitter. Young man your falling short was still “falling” forward. Twas your first time in the Olympics Carlos. You are going to bag the gold someday. You’ve made us proud. Shine on!!! God bless you!!!”

gary v

Maging ang mga netizens ay bumuhos din ang pagbati at pagpapalakas ng loob kay Caloy dahil sa tapang nito na makipagharapan sa iba pang mga world class athletes.

Kung maalala noong nakaraang linggo ay labis ang pagkadismaya ni Yulo dahil nangulelat siya sa kanyang paboritong floor exercises kung saan siya ang world champion.