Humaharap sa bagong hamon ang pamilya ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano matapos ang pagpositibo ng asawa nitong si Angeli Pangilinan ng magsagawa ng test dito sa COVID-19. Sa vlog na pinost nito sinabi ni Valenciano na maayos naman ang pakiramdam ng asawa nito at nakakapag-usap naman sila sa pamamagitan ng facetime sapagka’t magkaiba ang kanilang silid dahil sa quarantine protocol.
‘Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano,sinabi niyang naniniwala siya na kahit may pinagdadaanan din sila dahil sa Covid-19 ay alam niyang malalampasan nilang magkakasamang magpamilya ito kasama na rin ng mahigpit na pananampalataya sa Diyos.
” Yong laban natin sa Covid-19 o sa buhay ay kailangan gawin ng tama. Sa tamang paraan natin dapat gawin ang lahat ng ito. Kunting panahon lang na humingi, magpasalamat, manalangin at hayaan nating ang Diyos nalang ang mag guide sa atin” ang pagbabahagi ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa Star FM Bacolod
Dagdag pa nito na malaki ang pasasalamat niya sa kanyang mga kaibigan na patuloy na sumusuporta sa dagok na kanilang pinagdadaanan at nagbibigay ng kanilang words of encouragement at sa mga anak na kasa-kasama nito lalo na’t inamin nito na isa siya sa mga highrisk na matatamaan ng virus dahil sa iniindang diabetes nito.