-- Advertisements --
gary valenciano barmm
“A most amazing experience as UNICEF ambassador… to see people united in wanting to improve their region was truly inspiring. Peace now reigns but education needs a lot of help. Hoping to do more for them” – Gary Valenciano

Nakisama na rin ang music icon na si Gary Valenciano bilang UNICEF ambassador sa panawagan kaugnay sa kampanya ng gobyerno laban sa sakit na polio.

Ginawa ni Mr. Pure Energy ang apela sa pamamagitan ng social media account habang isinasagawa ng DOH, WHO at UNICEF ang malawakang programang “Sabayang patak, kontra polio” na nagsimula nitong Oktubre 14 hanggang Oktubre 27 para sa mga lugar ng NCR, Lanao del Sur, Marawi City, Davao at Davao del Sur.

Ito ay susundan pa sa buwan ng Nobyembre hanggang Enero.

Nagpaalala si Valenciano na kailangang ipabakuna ng mga magulang ang kanilang mga anak na limang taon pababa kasama na ang nakapagbakuna dati pa.

Binigyang diin nito ang libre at ligtas na bakuna para sa mga bata.

Aniya, mahalaga ang bakuna dahil walang gamot sa polio.

Una nang dineklara ng DOH ang polio outbreak sa bansa.