-- Advertisements --
Nagpamigay ng nasa 5-milyong face masks ang pamahalaan sa mga paaralan sa New Delhi, India dahil sa pagbaba ng kalidad ng hangin.
Bunsod din nito, napilitan ang mga opisyal na magdeklara ng public health emergency.
Hindi rin maiwasan ni Delhi chief minister Arvind Kejriwal na tawagin ang kanilang lugar bilang isang “gas chamber.”
Pumalo sa 487 ang air quality rating ng Delhi na ayon sa monitoring group na Air Visual ay mapanganib na.
Dahil sa air pollution, ipinag-utos ang pagsasara sa mga paaralan sa Delhi hanggang sa susunod na Martes.
Ipinahinto rin ang lahat ng konstruksyon na tatagal ng isang linggo at ipinagbawal ang lahat ng fireworks.