-- Advertisements --
NAGA CITY – Nananatili pa rin ang takot na nararamdaman ng mga residente sa California, USA matapos yanigin ng magnitude-7.1 na lindol nitong araw.
Sa ulat ni Bombo International correspondent Marilene Brazan Ortile, sinabi nitong nababahala ang mga residente sa posibilidad na magkaroon ng gas leak sa mga bahay na dinagundong ng lindol.
May posibilidad daw kasi na sumabog ang mga ito mula sa mga bahay dahil direkta ang linya ng kanilang tangke sa pagluluto.
Hindi na umano bago sa Estados Unidos ang paggamit ng natural gas.
Sa kabila ng pagyanig ng lindol, sinabi ni Ortile na mabilis ang naging tugon ng mga residente dahil din sa paghahandang ginagawa ng mga ito para sa sakuna.
Maging ang mga ospital ay alerto rin sa pag-rescue.