-- Advertisements --
Power of Siberia
power of Siberia

Inilunsad na ng Russia at China ang kauna-unahang gas pipeline na nagdurugtong sa dalawang bansa.

Ang mammoth Power of Siberia pipeline na nagkokonekta sa pangunahing gas exporter sa s9mundo at ang pinakamalaking energy importer crowns.

Pinangunahan nina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping ang nasabing paglunsad ng nasabing gas pipeline na tinawag din na Power of Siberia.

Ayon naman kay Xi na ang Sino-Russian ties ay isang foreign policy priority ng dalawang bansa.

Taong 2014 ng nagkasundo ang dalawang bansa at pumirma ang mga ito ng 30-year, $400-billion deal para sa pagtayo at pag-operate ng nasabing gas pipeline.

Ang 3,000 kilometer pipeline ay dadaan sa eastern Siberia hanggang Blagoveshchensk ang border ng Russia at China .