Inanunsiyo ng Puerto Rican rapper na si Daddy Yankee na ito ay magreretiro na.
Sa kaniyang social media isinagawa nito ang kaniyang pag-retiro sa music industry matapos ang 32 taon na paggawa ng mga kanta.
Sinabi nito na ang nasabing music industry ay parang marathon at ngayon ay tila naabot na niya ang finish line.
Nakatakda na itong itong tuluyang mamaalam sa mga fans niya niya sa pamamagitan ng huling concert at album na “Legendaddy” na ilalabas sa Marso 24.
Sumikat ang rapper sa kanta nitong “Gasolina” noong 2004 kung saan dito ipinakilala ang music genre na reggaeton sa international audience.
Noong 2017 ay nakipag-collaborate ito sa kapwa Puerto Rican singer na si Luis Fonsi sa kantang “Despacito” na nanguna sa puwesto sa Billboards Hot 100 sa loob ng 16 na linggo at naging second most-streamed video of all time ng YouTube.
Umabot sa mahigit 30 milyon records sa buong mundo ang naibenta sa kaniyang buong career.