-- Advertisements --

Nanawagan si Senator Grace Poe sa mga Gasoline station operators na magbigay ng diskwento sa gitna ng nararanasang oil price hike.

Hinimok ni Poe na siyang chair ng Senate committee on public services ang mga operators ng gasoline stations para matiyak ang competitive prices sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskwento sa produktong petrolyo.

Makikinabang aniya dito pareho ang mga public utility vehicle drivers at mga pribadong motorista na apektado ng patuloy na oil price hike ngayong humaharap din ang bansa sa hamon ng pandemiy.

Hiniling din ni Poe sa pamahalaan na ilabas ng minsanan ang subsidiya ng mga PUV drivers mula sa 2022 budget.

Umaasa din ang Senador na magiging masuri ang mga concerned agencies sa pagbibigay ng subsidiya upang makatanggap ang lahat ng kwalipikadong PUV driver.