-- Advertisements --

Inamin ng International Olympic Committee na mas malaki na ang ibubuhos nilang pera ngayong ipinagpaliban na ang Tokyo Olympics hanggang sa susunod na taon bunsod ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Christophe Dubi, executive director ng Olympic Games, lahat ng kontrata para sa Olympics ay kailang ire-secure hanggang 2021.

Kabilang na dito ang mga kasunduan para sa 41 venues, Olympic village na may 5,000 apartments, mga hotel, transportasyon, maging ang suplay ng goods at serbisyo.

Tinatayang papalo sa mahigit $2-billion ang mawawaldas na pera dahil sa postponement ng Olympics, kung saan bahagi nito ay sasaluhin ng Japanese government.

Inihayag naman ng IOC, masyado raw maagang sabihin kung sasaluhin nila ang bahagi ng gastos mula sa kanilang insurance policy o reserve fund.

Hindi pa rin daw malinaw kung anong gagawin sa bayad mula sa mga broadcasters.