-- Advertisements --
COVID ZAPATERA 6

Aabot na sa P246.125 billion ang gastos ng pamahalaan sa laban kontra COVID-19, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni DBM Sec. Wendel Avisado na hanggang nitong Mayo 19, ang kabuuang halaga na ginastos ng pamahalaan para sa COVID-19 relief efforts ay pumapalo na sa P246,126,427,356.

Sa naturang halaga, P215.47 billion ay nagmula sa 2020 general appropriations act (GAA), habang P30.746 billion naman ang nanggaling sa 2019 GAA.

Ayon kay Avisado, karamihan sa mga proyekto ay itinigil para magamit ang pondo sa relief at assistance efforts ng pamahalaan.

Kaugnay nito, nilinaw ng kalihim na ang mga ginalaw na pondo ay iyong mga hindi pa nailalabas base sa GAA.

Hindi naman aniya nangangahulugan ito na kanselado na ang mga apektadong proyekto, kundi maaring ituloy na lamang sa mga susunod na taon.

Kokonsultahin din aniya nila rito ang mga kalihim ng iba’t ibang kagawaran ng bansa sa kung aling mga proyekto ang higit nilang kailangan.