-- Advertisements --
Maaring i-reimburse ng mga government employees na pinag-work from home ang kanilang gastos sa internet connection.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado na nakasaad sa kanilang Circular Letter 2021-7 na dahil sa COVID-19 pandemic ay maaring maibalik ang nasa P75-P300 kada buwan na gastos sa internet connections.
Kailangang magsumite ng karampatang dokumento ang mga empleyado ng gobyerno para ma-reimburse ang kanilang nagastos.
Tanging mga regular, casual at contractual workers lamang ang papayagang makapag-reimburse.