-- Advertisements --

Tuloy-tuloy ang ginagawang pagpupulong ng International Olympic Committee (IOC) matapos na ipagpaliban ito sa 2021.

Sinabi ni IOC president Thomas Bach, na dahil sa postponement ay umabot sa mahigit $800 million na kanilang nagastos.

Mapupunta ang $650 million sa organization ng mga laro sa susunod na taon at $150 million bilang suporta sa internaitonal federations and National Olympic Committees.

Dumepende aniya sa Olympic games ang international federations at dahil sa ban ng sports competitions worldwide ay apektado ang kanilang mga pondo.

Humanga din ito sa ginagawang pagpupursige ng Japanese government dahil tinitiyak nilang wala ng magiging aberya pa ang nasabing Olympics.