Pinag-aaralan ni Senate Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin Gatchalian ang posibilidad na pwedeng maging licensed teachers ang mga propesyonal mula sa iba’t ibang mga larangan.
Ayon kay Gatchalian, isang hakbang ito upang makatulong na maiangat ang edukasyon sa senior high school.
Binanggit ni Gatchalian ang posibilidad sa isang pagdinig ukol sa Senate Bill No. 2840 na layong amyendahan ang Philippine Teachers Professionalization Act of 1994 (Republic Act No. 4784) at magbigay ng mga alternatibong paraan upang maging rehistradong professional teacher.
Sa ilalim ng panukalang batas, maaaring kumuha ng licensure exam ang isang aplikante at ipasa ito o kaya naman ay magsumite ng portfolio na nagpapakitang nakamit niya ang professional teaching standards.
“Nagbabago na ang mundo at importante ang specialization sa pagbabagong ito. Halimbawa, kung may tech-voc ang ating curriculum, kailangang may mga guro na eksperto dito o kayang magturo nito,” ani Gatchalian.