CAUAYAN CITY – Inirekomenda ng presidente ng Philippine Councilors League (PCL) Isabela chapter na gawin na lamang sa mga rehiyon o probinsya ang eleksyon sa PCL.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Board Member Antonio Hui, presidente ng PCL Isabela chapter, sinabi niya na kung magsasagawa ulit ng eleksyon sa national dapat sila na lamang ang magtungo sa bawat rehiyon at probinsya dahil kung sa Metro Manila na naman ito gagawin ay masyadong magulo.
Hindi rin aniya nila kayang mag-accomodate ng maraming tao.
Bukod dito ay madodoble na naman ang gastos ng mga local government units kaya mas maganda na lamang na isagawa ito sa bawat rehiyon o probinsya.
Ayon sa board member sa ngayon ay hinihintay pa rin nila ang desisyon ng kanilang mga nakakataas kung ano ang susunod nilang hakbang pagkatapos na maideklara ang failure of election sa halalan ng PCL noong February 27.