Nagdalawang-isip pa ang American singer-actor na si David Archuleta bago aminin sa publiko ang pagiging miyembro ng LGBTQIA+ Community.
Ito’y bagama’t tila “nakalaya” na sa kanyang tunay na pagkatao ang 30-year-old American Idol alumnus kasabay ng Gay Pride Month ngayong Hunyo.
Ayon kay Archuleta, taong 2014 pa nang ipagtapat niya sa kanyang pamilya ang pagkalito sa kanyang sekswalidad kung saan nagkakagusto siya sa babae at lalaki pero walang nararamdaman na matinding sexual urge o ‘yaong pagnanais na magtalik.
Napagdesisyunan niyang aminin din sa publiko ang pagiging bading para aniya sa “awareness campaign” kahit hindi komportable.
“I like to keep to myself but also thought this was important to share because I know so many other people from religious upbringings feel the same way,” bahagi ng kanyang paglantad.
Dagdag nito, “But then I had similar feelings for both genders so maybe a spectrum of bisexual. Then I also have learned I don’t have too much sexual desires and urges as most people which works I guess because I have a commitment to save myself until marriage which people call asexual when they don’t experience sexual urges.”
Ang rebelasyon ng nasabing singer/actor ay June 12 sa Amerika, na araw naman ng kalayaan ng Pilipinas na ginugunita ng mga Pilipino na naninirahan sa US.
Kung maaalala, nagkaroon ng maraming Pinoy fans si David mula nang sumali ito sa Season 7 ng American Idol noong 2007.
Nagtanghal na rin siya sa Pilipinas at bumida sa television series na “Nandito Ako.”