-- Advertisements --
Inakusahan ng gobyerno ng Gaza ang Israel at US na ginagamit ang kagutuman para makamit ang politikal na adhikain nito.
Ayon sa Gaza Government na ang ginagawa ng nasabing dalawang bansa ay pinipigilan nilang makapasok ang mga humanitarian aid bilang bahagi ng political pressure.
Nasa 2.4 milyon na mga Palestino ang naninirahan sa delikadong kondisyon lalo na sa northern Gaza.
Ilang libong mga may sakit at sugatang mamamayan ng Gaza ang walang natatanggap na gamot at pagkain.
Magugunitang isinara ng Israel ang halos lahat ng mga crossings sa Gaza na hinigpitan nila ang aid deliveries sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang crossing.