-- Advertisements --

Itinuturing ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees (UNRWA) na wala ng ligtas na lugar para sa mga kabataan at mga residente ng Gaza.

Ito ay dahil sa patuloy ang military operations ng Israels laban sa mga Hamas sa lugar.

Ikinabahala din nila ang pagdami ng mga magugutom dahil sa limitado na ang pinapapasok ng Israel na mga tulong sa Gaza.

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pasyente na nasawi sa ginawang pag-atake ng Israel sa Nasser Medical Complex sa Khan Younis.

Ayon sa United Nations na sa loob ng 24 na oras ay mayroong walong pasyente ang nadagdag na nasawi dahi sa kawalan ng generators ng pagamutan matapos maubusan ito ng langis.

Mula ng magsimula ang atake ng Israel sa Gaza noong Oktubre 7 ay pumalo na sa 29,313 na Palestino ang nasawi at 69,333 ang sugatan habang ang nasawi sa panig naman ng Israel ay mayroong 1,139.