-- Advertisements --
Itinuturing ng United Nations na ang Gaza bilang napakadelikadong lugar sa buong mundo.
Ayon sa UN agency for Palestinian refugees na lalong nagiging malala ang sitwasyon sa Gaza kada minuto.
Bukod sa tumaas ang bilang ng mga nasasawi at mataas na rin ang bilang ng mga nawawalan ng tirahan dahil sa nasabing kaguluhan.
Nanawagan din ang Humanitarian organization an Doctors Without Borders ng agarang pagtigil ng kaguluhan dahil sa maraming mga inosente na ang nadamay.
Magugunitang mula na nagtapos ang ilang araw na ceasefire ay pinaigting ng Israel ang kanilang pag-atake sa Gaza na pinaniniwalaan nilang pinagtataguan ng mga Hamas militants.