-- Advertisements --
Gazini Ganados
Gazini Ganados/ IG post

Nagpapasalamat si 2019 Binibining Pilipinas-Universe Gazini Ganados na bumubuti na ang pakiramdam nito sa gitna ng panahon ng tag-ulan.

Ayon sa 23-year-old Cebuana beauty na tubong Zamboanga, napagtanto nito na mahalaga pala talaga ang magpahinga rin kahit gaano pa kaabala sa trabaho.

Hindi aniya nito nakontrol ang pagsama ng pakiramdam gayong nakatuon ang oras sa training para sa pagsabak sa 2019 Miss Universe coronation.

“Been under the weather for last couple of days and it dawned on me that I also need to take a little time off and rest. It pushed me towards a personal truth that some things are beyond my control and that I had to go through uncomfortable situations to test my ability to focus. Feeling a lot better now and I can’t wait to get back on track. Laban Pilipinas! 💪🏼” ani Ganados.

Samantala, nilinaw ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na hindi lamang siya, kundi marami silang gumagabay kay Gazini kaya walang dapat ipangamba sa takbo ng training nito.

“There’s a lot of us guiding her. Kalma lang. Trust the process. She’s (Gazini) preparing.”

Sa ngayon ay wala pa ring official announcement ang Miss Universe Organization (MUO) kung saang bansa gaganapin ang 68th coronation.

Tanging inanunsyo pa lamang ng MUO ay ang pagkakapili nila sa world-renowned luxury jeweler na Mouawad bilang crown sponsor ngayong taon.

Papalitan ng nasabing jewelry maker ang Mikimoto crown mula Japan na siyang kasalukuyang suot ni Catriona na umano’y nagkakahalaga ng $250,000 o katumbas ng P12.5 million.

Ang Mikimoto crown ay official sponsor ng Miss Universe mula 2002 hanggang 2007, at naibalik noong 2017 sa reign ni Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa.