-- Advertisements --

Idinitalye ng kasalukuyang Miss Universe Philippines na si Gazini Ganados ang gown na kaniyang isusuot sa paglipat nito ng korona sa darating na Oktubre 25 sa lungsod ng Baguio.

Sinabi nito na magiging simple at elegante mula sa kaniya idea at ang designer na si Cary Santiago.

Inabot umano ng tatlong araw bago matapos ang nasabing gown.

Ang nasabing gown ay iaalay sa mentor at discoverer nito na si Jonas Borces na pumanaw noong Hunyo sa Cebu dahil sa COVID-19.

Hindi naman maitago ni Ganados ang kaniyang kasabikan sa final walk at nagpapasalamat ito dahil natupad ang kaniyang pangarap na makasali sa Binibining Pilipinas.
Kasabay nitong dumating sa Baguio City ay sina Binibining Pilipinas titlist MJ Lastimosa at Ara Arida.