-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Naniniwala ang mentor ni reigning Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray na malaki ang tsansa ng pambato ng Pilipinas na si Miss Universe-Philippines Gazini Ganados na maiuwi ang back to back crown para sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Carlos Buendia, nakita niya na ini-enjoy lang ni Gazini ang performance nito habang nasa entablado na malaking bagay aniya sa pagsalang ng isang beauty queen sa prestihiyosong kompetisyon.

Paliwanag nito, ang isang pageant ay hindi lamang sumasalamin sa ganda ng isang kandidata kundi maging sa impact nito sa mga tao, bagay na nakikita niya kay Gazini.

Pinuri rin ni Buendia ang angking kakaibang ganda ng Philippine bet na inaasahang papasahan ng korona ng Bicolana beauty na si Catriona.

Si Buendia ang nasa likod ng sikat na “lava walk” at “slow-mo twirl” ng reigning queen na si Catriona.