CENTRAL MINDANAO-Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lalawigan sasailalim simula ngayong Linggo, Mayo 30, 2021 sa General Community Quarantine ang buong probinsya ng Cotabato.
Ito ang napagkasunduan sa isinagawang pagpupulong ng Provincial Inter Agency Taskforce sa pangunguna ni Cotabato Governor Nancy Catamco sa Barangay Luvimin, Kidapawan City kung saan nirekomenda ng mga Municipal Health Officers, Liga ng mga Barangay Presidents at kapulisan na kailangan ng magpatupad ng mas striktong community quarantine upang mapigilan ang pagtaas ng Covid cases.
Batay sa datus na iprenisenta ni Integrated Provincial Health Officer Dr. Eva Rabaya as of May 23, 2021 nakapagtala na ng 1,638 Covid-19 cases ang lalawigan kung saan 93 dito ang namatay.
Dagdag pa ni Dr. Rabaya na karamihan sa mga naitalang kaso sa mga nakaraang linggo ay nakuha sa mga social and family gatherings.
Sa nasabing pagpupulong ay iprenisenta naman ni IATF Incident Commander Board Member Dr Philbert Malaluan ang mga bagong polisiya na may kinalaman sa rekomendasyong pagpapatupad ng GCQ sa lalawigan, kabilang na rito ang:
▪️No movement and disinfection tuwing araw ng Linggo
▪️Required negative RT-PCR test result para sa mga non-essential travellers
▪️30% seating capacity sa mga dine-in restaurants, fastfood chains, at food retail establishments
▪️Striktong implementasyon ng digital contact tracing system o qr codes sa mga terminals, public at private establishments
▪️Pagpapataw ng karampatang penalty o kaparusahan sa mga lalabag sa health protocols
▪️Pagbabawal sa pagbebenta ng nakalalasing na inumin
▪️Pansamantalang pagpapasara sa mga gym , sabungan at amusement industries
▪️Paghingi ng permit sa punong barangay bago makapagsagawa ng mga pagtitipon
▪️Pagpapatupad ng 10:00.PM to 4:00AM curfew
▪️Pagsuspende sa Leisure and Eco-Tourism Activities
▪️Pagsasagawa ng Covid-19 Rapid testing sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) sa bawat munisipyo
▪️Mahigpit na pag monitor sa mga border checkpoints ng lalawigan
▪️At pagpapalakas ng Kontra Covid-19 Mechanism sa mga barangay
Nanawagan naman si Governor Catamco sa bawat Cotabateño na maging maingat, magpabakuna at sundin ang minimum health ptotocols na ipinapatupad ng pamahalaan.
Inaasahan na sa darating na araw ay opisyal na magpapalabas ng Executive Order ang provincial IATF patungkol sa pagpapatupad ng GCQ sa lalawigan.