-- Advertisements --

Mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ng mula Hunyo 1 hanggang 15 ang National Capital Region o NCR Plus.

classification
Quarantine classification

Sa ginawang talk to the nation ni Pangulong Rodrigo Duterte, inaprubahan nito ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin pa ang GCQ with restrictions sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Inilagay din sa GCQ status mula Hunyo 1 hanggang 30 ang mga lugar ng Cordillera Administrative Region, kasama ang Abra, Baguio City, Kalinga, Mountain Province; Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Iligan City sa Region 10, Davao City sa Region 11 at Lanao del Sur at Cotabato City sa BARMM.

Nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) naman mula Hunyo 1 hanggang 15 ang mga sumusunod na lugar: Apayao, Benguet at Ifugao in the Cordillera Administrative Region at Puerto Princesa in Region 4-B; Iloilo City in Region 6; at Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte in Region 9; Cagayan de Oro City in Region 10; at Butuan City at Agusan del Sur sa CARAGA.

Ang mga natitirang lugar sa bansa ay nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) mula June 1 hanggang June 30.