-- Advertisements --

NAGA CITY- Sa kabila ng tumataas na bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur, hindi pinahintulutan ng National Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (NIATF) ang apela ng Pamahalaang Panlalawigan na isailalim ito sa General Community Quarantine (GCQ).

Matatandaang kinokonsidera ng Department of Health na nasa moderate risk ang buong lalawigan dahil sa naturang pandemya.

Ngunit, ayon sa assessment ng Screening and Validation Committee (SVC) hindi naabot ng probinsiya ang pamantayan ng NIATF para iakyat ito sa mas mataas at mas mahigpit na quarantine classification.

Gayunpaman, naglatag ang NIATF ng mas pinaigting na hakbang na dapat na ipatupad para mabawasan ang hawaan ng COVID-19 sa lalawigan.

Sa ngayon, umabot na sa 1,881 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur kung saan 379 dito ang aktibong kaso.