-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Alinsunod sa RIATF XII Resolution #8 kasabay nang deklarasyon sa probinsya ng Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat at Saranggani.

Kabilang din dito ang mga siyudad ng Tacurong, Kidapawan, Koronadal, General Santos at Cotabato City ay mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 30, 2020.

Sa probinsya ng Cotabato, mananali pa ring ipapatupad ang mga umiiral na alituntunin ng national public health emergency kontra COVID-19.

Sinabi ni Kabacan, Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr. ang pagpapalawig ng GCQ ay ginawa lamang ng gobyerno upang maiwasan na madagdagan ang mga COVID patients sa bawat munisipyo sa lalawigan ng Cotabato.

Sa ngayon ay mas lalong hihigpitan pa ang mga COVID checkpoint sa mga entry at exit points sa probinsya ng Cotabato kontra sa nakakahawang sakit.