CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat pa sa 39 na Good Conduct Time Allowance o GCTA law beneficiaries ang sumuko sa rehiyon diyes.
Sinabi ni police regional office (PRO-10) spokesperson Lt. Col. Mardy Hortillosa na sa naturang bilang ay 12 ay nanggaling sa Bukidnon, walo sa Misamis Oriental, pito sa Lanao del Norte, anim sa Cagayan de Oro, apat sa Iligan City, isa sa Misamis Occidental at isa rin sa isla ng Camiguin.
Ayon kay Hortillosa, mayroon na silang nakahandang tracker team na siyang maghahanap sa mga GCTA beneficiaries na hindi sumuko sa ibinigay na ultimatum ni President Rodrigo Duterte.
Sa kabila nito, hindi pa sila pwedeng magsimulang maghuli ngayon dahil wala pa silang hawak na mga pangalan ng target.
Umaasa ang opisyal na maibigay na sa kanila ang mga pangalan upang magampanan ang kanilang tungkulin.