Nalagpasan ang target na Growth domestic product (GDP) ng Pilipinas sa unang quarter ng 2023.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), lumago ang GDP ng bansa sa 6.4% noong unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon .
Ito naman ang pinakamabagal na pag-usad ng GDP sa loob ng 7 quarters simula ng maitala ang 12% GDP noong ikalawang quarter ng 2021.
Paliwanag ni National Statistician Dennis Mapa na ang pinakamalaking nakapag-ambag sa paglago ng GDP sa unang quarter ng 2023 ay ang wholesale o retail trade at repair o pagkumpuni ng motor vehicles at motorsiklo na lumago ng 7%, financial at insurance activities na nasa 8.85 at iba pang mga serbisyo na nasa 36.5%.
Ang tatlong pangunahing economics sector naman na nakapagtala ng paglago sa unang quarter ay ang mga industriya na nasa 3.95, mga serbisyo na nasa 8.4% at may naiambag na 2.2% mula sa sektor ng agrikultura, forestry o pangungubat at fishing o pangingisada.
Ang ekonomiya ng bansa ay mas matatag kumpara sa inaasahang unang quarter performance na pasok sa 6% hanggang 7% target para sa taong 2023.