Posible pa ring pumalo sa 6% ang gross domestic product growth rate ng Pilipinas.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, isinaalang-alang sa tempered gross domestic product growth target na 6%-7% ng Marcos administration ang posibilidad sa matagal na pamamayagpag ng mataas na interest rates.
Ang resulta din aniya ng policy actions noong nakalipas na taon ay inaasahang mararamdaman ngayong taon.
Positibo naman ang kalihim na hindi mangyari ang malungkot na pananaw ng ilang mga ekonomista na nakikitang mas magiging mahal ang borrowing costs kasabay ng malalaking hadlang sa ambisyon ng pamahalaan para makamit ang 6% growth rate.
Sinabi din ng kalihim na maaaring maabot ng PH ang 6% growth rate hangga’t nananatiling pasok o hindi lagpas ang inflation sa target ng pamahalaan na 2% hanggang 4%.
Samantala, nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority ang datos sa inflation para sa Abril sa mayo 7 at umaasa si NEDA Sec. Balisacan na ang price growth ngayong buwan ay malapit lamang sa 3.7% na naitala noong Marso kahit na humaharap ang bansa sa paiba-ibang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa conflict sa Middle East.