-- Advertisements --

Pinapanatili ng kasalukuyang administrasyon ang gross domestic product (GDP) growth target sa 6-7 percent ngayon taon habang 7-9 percent naman sa 2022.

Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) resulta ito ng pagbaba na ng kaso ng COVID-19 at ang bahagyang pagbubukas na ng ekonomiya.

Kasabay din ito ipinagtanggol ng DBCC ang pag-apruba ng economic officials ng proposed budget para sa 2022 na P5.02 trillion.

Mas mataas ito ng 11.5 percent ngayong taon kung saan ilalaan ang mga ito sa mga iba’t ibang inprastraktura at ang pagpondo sa pandemic response.