-- Advertisements --
Lumago ng 7.1 percent sa ikatlong quarter ng 2021 ang gross domestic product (GDP) ng bansa.
Ang GDP o mga produkto at serbisyo na ginawa sa bansa mula Hulyo at Setyembre ay mataas din ng 3.8 percent kumpara noong Abril hanggang Hunyo.
Ang third quarter 2020 bumagsak ang GDP ng 11.6 percent dahil sa mas pinatagal na lockdowns na nagpahinto sa economic activities.
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na target ng gobyerno ang 4-5 percent na GDP growt sa 2021 na ito ay madaling maabot dahil sa magandang resulta ngayong third quarter.