-- Advertisements --
Bumagal sa 5.6 percent ang economic growth ng Pilipinas sa first quarter ng 2019.
Batay sa data na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang pinakamabagal sa nakalipas na apat na taon.
Mas mababa rin ang latest figure na ito kumpara sa 6.5 percent sa first quarter ng 2018, at sa 6.3 percent sa fourth quarter ng nakalipas na taon.
Ito rin ang pinakamabagal na growth na naitala ng Pilipinas sa 17 quarters magmula nang maitala ang gross domestic product (GDP) growth sa 5.1 percent sa first quarter ng 2015.