-- Advertisements --

Simula sa Enero sa susunod na taon ay maglalabas na ang Philippine Amusement Gaming Corportation (PAGCOR) ng Gaming Employment License (GEL) identification card sa lahat ng mga foreign Philippine offshore gaming operations (POGO) workers.

Binbigyan diin ni House Committee on Games and Amusement vice chairman at Ang Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong na makakatulong ang GEL IDs para mas ma-monitor ng gobyerno ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga POGO workers.

“We cannot pretend anymore that POGO industry is small. We should have a system to monitor them. That’s why we are pushing for the GEL ID,” ani Ong.

Layon din ng issuance ng GEL IDs ayon sa kongresista na maiwasan ang krimen na kinasasangkutan ng mga POGO workers, halimbawa ang kidnapping incident sa Makati kamakailan.

Bukod dito, iginiit ni Ong na makakatulong din ang naturang hakbang sa Bureau of Internatl Revenue sa tax mapping nito para sa POGO sector.

Sinabi ng kongresista na ang GEL IDs na ibibigay ay nagkakahalaga ng P4,000 kada tao ay makakatulong din sa mga immigration at law enforcement personnel para matukoy kung sino ang lisensyado at hindi.

Sa ngayon, mayroon nang mahigit 200 POGO service providers na may 100,000 foreign workers na nag-ooperate sa Pilipinas.