Naniniwala si PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na malaki ang magiging kontribusyon ni AFP chief of staff General Eduardo Año sa hanay ng Pambansang Pulisya sa sandaling maupo na siya bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Dela Rosa na ikinatuwa nila ang pagtalaga ng pangulo kay Gen. Año sa DILG at subok na ito sa ibinibigay nitong dedikasyon sa trabaho.
Banggit pa ni Dela Rosa na alam nila ang level ng disiplina ni Año na isang military general, ang competency at ang dedikasyon nito sa trabaho.
Reaksyon naman ni PNP chief sa appointment ni Año sa DILG ay para disiplinahin nito ang mga pulis.
Aniya inherent function naman talaga ng kalihim na i-oversee ang mga aktibidad ng PNP at bilang chairman din ng Napolcom na siyang policymaking body ay pwedeng makapagambag ang heneral sa mga polisiya lalo na sa pagdidisiplina sa mga kapulisan.
Sa isyu naman na dapat isang military official ang dapat magdisiplina sa mga pulis, sinabi ni Dela Rosa na hindi nila pwede kwestiyunin ang ang wisdom ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ni PNP chief na desisyon ito ng pangulo na italaga si Año bilang kalihim ng DILG.
Giit nito na kahit sino pa man ang itatalag ng pangulo ay walang problema sa kanila.
Nilinaw naman ni PNP chief na wala naman silang nakikitang conflict lalo na sa kampanya ng PNP laban sa iligal na droga at alam nito ang kaniyang trabaho bilang kalihim ng DILG.