Pormal nang nag-assume bilang ika-25th PNP chief si Gen. Debold Sinas matapos magretiro na sa serbisyo si Gen. Camilo Pancratius-Cascolan.
Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa seremonya dahilan kaya si DILG Sec. Eduardo Año ang nag-administer ng change of command ceremony.
Sa talumpati ni Sinas, naglatag ito ng kaniyang mga programa pero tiniyak na ipagpapatuloy ang mga nasimulan na proyekto at programa ng kanilang mga predecessors.
Nanawagan naman si Sinas sa men and women ng PNP ng pagkakaisa.
Aniya, “Lets Volt In” daw sa pagsusulong ng kapayapaan bilang mga frontliners, ang mga hindi makikiisa at sumuporta si “Voltes 5” daw ang mag-e-evict sa kanila.
Ang mistulang pagiging fan ni Sinas sa ‘Voltes V’ ay nag-ugat sa kasikatan ng palabas ng naturang Japanese anime television series noong huling bahagi ng dekada sitenta.
Ang super robot na si ‘Voltes V’ ay naging popolar ng husto noon sa Pilipinas.
Sa kasagsagan naman ng programa ng turn-over of command habang itinataas ang bandila ni Sinas, sinabayan pa ito ng tugtog ng theme song ng “Voltes V.”
Sa kanya pa ring talumpati, ipinaalala niya na dapat ang isang pulis ay magtrabaho basi sa kanilang mandato.
Binigyang diin din ni Sinas na mahigpit niyang ipapatupad ang “no take policy” lalo na ang pera na nagmumula sa iligal na droga, illegal gambling at iba pang illegal activities.
Aniya, palalakasin pa raw niya ang kampanya laban sa iligal na droga, illegal gambling, insurgency, terrorism at corruption.
Bilang na rin daw ang araw ng mga ninja cops at narco cops dahil isa ito sa magiging prayoridad ng kaniyang pamumuno.
Pag-iibayuhin din daw niya ang lahat ng drug enforcement units sa iba’t ibang police units ng sa gayon maaresto ang mga high value target and individuals.
Sa kampanya naman sa terorismo, siniguro ni Sinas na handang makipagsagupaan ang PNP sa mga terorista.
Mahigpit din ipagbabawal ni Sinas ang paglaro ng golf ng mga opisyal during office hours.
Itutuloy din daw ni Sinas ang internal cleansing campaign sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga local commanders na lubusang disiplinahin ang mga tiwaling tauhan.
Para masustini naman ang tagumpay ng PNP sa laban sa kriminalidad ay paiigtingin ang police visibility kung saan 85 porsiyento ng pwersa ng PNP ang nasa lansangan.
Samantala, pinuri naman ni Sec. Año si retired Gen. Cascolan na kahit dalawang buwan lamang ito sa pagiging PNP chief ay marami itong nagawa lalo na sa kapakanan ng mga puliis at ang kampanya sa paglaban sa COVID-19.
Sa kabila ng pandemya, nagagampanan pa rin ng PNP ang kanilang mandato lalo na sa law enforcement and public safety.