-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hangarin ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang perpekto at malinis daw na pamamahala sa hanay ng pulisya.

Ito ang mensahe ng PNP chief nang dumating ng Police Regional Office-12 kasama ang kanyang maybahay.

Mamalagi ng tatlong araw sa PRO-12 si Eleazar para makipagkita sa pulisya at iba pang opisyal ng SocSarGen region.

Bukas natakdang bisitahin din nito ang South Cotabato at Sarangani provincial police office bago tumulak pabalik ng Maynila.

Bitbit ang kanyang banner program na “kalinisan” kanyang sinabi na kung may reklamo mula sa publiko ay hindi sa regional, provincial o city police office pupunta subalit ang puntahan ng mga nagrereklamo ay ang mga police stations pati mga COMPAC.

Matapos bumaba ng GenSan airport sumaglit ito sa Fatima police station at sinilip at nakita ang malinis na police station na pinapatakbo ng isang babaeng opisyal.

Pinasiguro rin nito na ipagpapatuloy ang paglilinis sa hanay ng pulisya.

Kanya ring inulit na walang padrino at walang palakasan sa 17,000 newly recruits na kung may makalusot ay mamalasin umano.