LEGAZPI CITY – Iniutos ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagpapaigting ng mga programa ng kapulisan upang makatulong sa laban kontra sa COVID-19 pandemic.
Sa pagbisita ni Eleazar sa lalawigan ng Albay nagbigay ito ng pahayag sa harap ng mga pulis sa Camp BGen Simeon A Ola sa Legazpi City.
Binigyang diin nito na kabilang ang mga pulis sa mga frontliners na nangunguna ngayon sa pagpapatupad ng mga restricions laban sa nakakahawang sakit na dapat na magampanan ng maayos.
Pinatitiyak ng opisyal na laging handa ang lahat ng estasyon ng pulisya sa pagresponde sa lahat ng mga insidente, kriminalidad at kalamidad lalo na ngayong panahaon ng pandemya.
Kabilang pa sa binigyang diin nito ang lalo pang pagpapalakas ng relasyon ng kapulisan sa komunidad sa pamamagitan ng mga Barangayanihan project.