-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakapagtala ng Intensity IV na pagyanig sa General Santos City at sa bayan ng Alabel Sarangani Province dakong alas 9:49 nitong linggo ng gabi.

Ito’y kasunod ng magnitude 4.8 na lindol na tumama sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 19 kilometers sa Northeast sa nasabing bayan.

May lalim na 38 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Narito ang iba pang lugar na nakaramdam ng medyo may kalakasan na lindol.

Instrumental Intensities:
Intensity III – Kiamba, Sarangani at Tupi, South Cotabato

Intensity II – Kidapawan City

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian o nasugatan sa GenSan at Sarangani matapos ang ilang minutong pagyanig ngunit patuloy pa rin ang asessment ng CIty Disaster Risk Reduction and Management Office.