Kinilala si PNP Chief PGen. Debold Sinas bilang “biggest loser” sa Chubby Anonymous project ng PNP.
Ito ay sa ginawang presentasyon ng mga pulis na may pinakamalaking nabawas na timbang sa huling press conference ni PNP Chief ngayong umaga bago siya magretiro sa serbisyo sa Sabado.
Si Gen. Sinas na nakapagbawas ng 72 Libra sa kanyang timbang ang nanguna sa pagkilala sa top 7 na mga pulis na lumahok sa programa.
Ayon sa PNP chief, ang programa ay voluntary, at maaring umayaw anumang oras, pero siya aniya ang ehemplo ng magandang epekto ng programa sa mga nakakumpleto nito.
Magugunitang inilunsad ni Gen. Sinas ang Chubby anonymous project sa simula ng kanyang termino, kung saan binuhay ang pang-umaga at pang-hapong programang pang-ehersisyo ng PNP.
Layon ng programa na iwasto ang body mass index ng mga pulis na sobra sa timbang, para narin masiguro ang kanilang kalusugan sa gitna ng pandemya.
” Yung Chubby Anonymous that serve as an example kung mapansin niyo ang tinarget ko lang talaga ay yung obese 3, hindi na ako nagta target ng maliit nag exercise kasi kaya na nila ang sarili nila, this volunteer wala pong pwersahan,” wika ni Gen. Sinas.