GENERAL SANTOS CITY – Kulang umano ang awareness sa gender and development program at anti-descrimantion ordinance na ipinatupad sa buong bansa kaya’t hindi nasunod.
Ito ang sinabi ni Judith Janiola ng City Population Office matapos ang nangyaring kontrobersiya sa LGBT member na si Gretchen Diez sa loob ng isang mall sa Quezon City.
Ayon kay Janiola, labag sa karapatang pantao ang ginawa ng lady guard matapos pinahiya ang transgender.
Dagdag pa ng opisyal, panahon na para maglagay ng confort room para sa mga LGBT sa mga mall at public places kagaya sa pagbigay ng treatment sa mga PWD’s at senior citizens.
Para sa kanya ang pagpasok sa arsenal ng mga lalaki ang kanyang gagawin kung mangyari ang tawag ng pangangailangan na wala namang kasong sinuway.
Sinabi pa nito na sa lungsod ipinatupad ang anti-discrimination ordinance na pinasusugan naman sa pagpalabas ng executive order ang mayor sa lungsod.
Nalaman na sa buong bansa apat na lungsod lamang ang nagpatupad sa gender and sensitivity at ito ang Davao City, Quezon City, Caraga area at Gensan.