-- Advertisements --

COTABATO CITY – Upang maiwasan ang gender discrimation sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM Government, ay nagkaroon ng Gender Sensitivity Training ang Bangsamoro Government na pinangunahan ng Ministry of Labor and Employment o MOLE.

Sa naging panayam ng 93.7 Star FM Cotabato, kay MOLE Minister Muslimin Sema, sinabi nito, na dahil global concern ang gender inequalities, kaya kinakailangang na ma-expose ang mga empleyado ng BARMM Government sa mga international programs gaya na lamang ng Gender Sensitivity Training, upang walang mangyaring gender bias o discrimination sa mga ahensya ng Provincial Government.

“Since we are in the Bangsamoro Government, dapat ma expose tayo sa mga international programs, dahil global issue itong gender biases, dahil may mga nangyayaring mga inequalities in the treatment ng mga tao, because of their gender and identification. Minsan kahit na matalino yong babae, magaling sa management, but because she’s a woman, nadedeprived na because of her color and gender, at dahil nasa governance tayo posibleng mangyari yong discrimanation. So we are pursuing itong training na ito sa mga kasama natin para maiwasan at hindi mangyayari sa BARMM Government ang ano mang uri ng diskriminasyon.” Ani MOLE Minister Sema.

Sa ngayon, ay walang naitatalang reklamo ang ahensya ukol sa gender discrimanation sa mga opisina ng Bangsamoro Government o mga private agencies sa rehiyon.

Ang nasabing training ay dinaluhan ng mga representative mula sa iba’t-ibang agencies ng BARMM Government.