Napanatili ng bagyong Gener ang kaniyang lakas habang ito ay nasa karagatang bahagi na ng Palanan, Isabela.
Ayon sa PAGASA, na may dala itong lakas ng hangin na mula 55 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 70 kph.
Nakataas pa rina ng tropical cyclone wind signal number 1 sa mga lugar ng : Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso, Baliuag, San Rafael), Pampanga (Porac, Angeles City, Magalang, Arayat, Mabalacat City, Floridablanca, Santa Rita, Guagua, Bacolor, City of San Fernando, Mexico, Santa Ana, Candaba, San Luis, San Simon, Santo Tomas, Apalit, Minalin), Aurora, Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang ang Polillo Islands.
Posibleng humina na rin ang bagyong Gener kapag ito ay tuluyang mag-landfall sa bahaging sakop ng Isabela sa araw ng Martes.
Maaring tuluyan ng lumabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Gener sa gabi ng Martes o madaling araw ng Miyerkules.
Patuloy ang pagbibigay babala ng PAGASA sa mga mangingisda na iwasan pa rin ang pumalaot dahil sa lubhang delikado pa rin.