-- Advertisements --

Umabot hanggang general alarm ang malaking sunog na naitala sa Brgy. Sta. Clara, Batangas City o malapit sa port area ng nasabing syudad.

Ayon kay Rodrigo dela Roca ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nagsimula ang pagkalat ng apoy kaninang alas-5:45 ng hapon.

Partikular na natupok ang mga kabahayan ng informal settlers sa naturang lugar.

Dahil sa pagtaas ng alerto, tumulong na rin ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) mula sa mga karatig na bayan at probinsya ng Batangas.