Hindi nagpatinag ang World Health Organization sa dinadanas na coronavirus pandemic ng mundo para ipagpatuloy ang kanilang annual assembly.
Sa pamamagitan ng video conference ay nakatakdang talakayin ng mga ito ang update tungkol sa dine-develop na vaccine kontra COVID-29 maging ang koordinasyon ng international community sa pamamahagi ng medical supplies.
Inaasahang dadalo sa naturang online meeting ang mga representante mula sa 194 member countries ng ahensya.
Aminado naman si WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na nanatili pa ring mataas ang risk na kumalat ang nakamamatay na virus at magiging mahaba ang landas na tatahakin ng bawat bansa dahil sa outbreak.
Una nang inakusahan ng Estados Unidos ang ahensya dahil sa di-umano’y sobra-sobrang suporta na ibinibigay nito sa China.
Dahil dito ay ninais ng Washington na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa paraan nang pangangasiwa ng ahensya sa pandemic.
Dinepensahan naman ni Chinese President Xi Jinping ang kaniyang bansa.
“All along, we have acted with openness, transparency and responsibility,” saad ni Xi. “We have provided information to the WHO and relevant countries in a most timely manner.”
Nitong lumipas na dalawang taon ay halos 2 bilyong dolyar na ang naibigay ng China sa iba’t ibang bansa bilang tulong para labanan ang outbreak.