-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagpositibo sa COVID-19 matapos lumabas ang resulta ng RT-PCR test sa dalawang opisyal ng Philippine Marines sa lalawigan ng Maguindanao.

Ito mismo ang kinumpirma ni Dra Elizabeth Samama ng Integrated Provincial Health Office (IPHO-Maguindanao).

Nasa maaayos namang kondisyon at walang sintomas ng COVID ang dalawang opisyal ng Philippine Marines.

Tinatapos lang nila ang kanilang 14 day quarantine sa isang isolation facility.

Nagmula aniya ang mga ito sa isang high risk area dahil na rin tawag ng tungkulin .

Bago pa man bumalik sa kanilang headquarters sa Barira, Maguindanao ang naturang heneral at major, sumailalim muna ang mga ito sa swab test at doon na nagpositibo sa COVID-19.