-- Advertisements --

Lumutang ngayon ang isyu na posibleng pagkakaroon ng panibagong general election sa United Kingdom sa gitna na rin ng krisis sa proseso sa paghiwalay ng Britanya bilang miyembro ng European Union (UK).

Ito ay kasunod nang ikatlong pagkatalo ni British Prime Minister Theresa May sa botohan sa parliyamento sa kanilang panukalang Brexit deal.

Ngayong weekend ay puspusan muli ang gagawing pagpaplano ng kampo ng lider ng Britanya kung ano na naman ang ihihirit na bagong istratehiya.

Dalawang linggo kasi mula ngayon o sa April 12 ay ang panibagong deadline sa bagong options para idulog mula sa parliyamento na House of Commons.

Una rito, maging ang European Union ay nagbabala sa UK na baka lalong malugmok sa disaster kung hindi makakagawa ng maayos na proseso sa paghiwalay sa grupo ng mga bansa sa Europa.