-- Advertisements --
1000031726

Naglabas ng General Flood Advisory ang State Weather Bureau para sa lalawigan ng La Union.

Nakasaad dito na posibleng tumaas ang lebel ng tubig sa mga ilog sa lalawigan.

Kabilang na rito ang ilog ng Amburayan, Baroro, Lower Bauang at Aringay River.

Ito’y dahil na rin sa walang tigil na ulan dahil sa umiiral na hanging habagat sa bansa.

Pinapayuhan rin ng naturang weather bureau na maging handa at alerto para makaiwas sa anumang insidente.

Kasalukuyang namang nakataas sa lalawigan ng La Union ang Orange Warning Level dahil sa mga nararanasang pag-ulan sa lugar.