-- Advertisements --

ROXAS CITY – Umaasa ang mga general managers ng iba’t-ibang electric cooperatives sa Panay Island na pakinggan ng Department of Energy (DOE) ang ginawa nilang rekomendasyon para hindi na maulit pa ang 3-day power outage sa Western Visayas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Engr. Edgar Diaz, General Manager ng Capiz Electric Cooperative (CAPELCO), bago pa isinagawa ang senate hearing na kinasasangkutan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ukol sa power outage, nagsagawa ng meeting ang lahat ng mga general managers sa Panay Island para sa pagbuo ng rekomendasyon upang mapabuti ang binibigay nilang serbisyo sa mga kunsomidor.

Nirekomendar ng kooperatiba ang mga sumusunod:

  • Pagpapabilis sa construction ng Cebu-Negros-Panay Grid
  • Procurement kag installation sang Static VAR compensator
  • patas na allokasyon ng power supply
  • Separation of system at transmission operator para sa transparent na report
  • At muling pagbuhay sa Grid Management Committee

Sa pamamagitan nito, mas mapapabuti ang kanilang serbisyo at maiiwasan ang matagalang power outage na nagresulta sa pagkalugi ng mga negosyo sa Panay Island.

Kun maaalala, nagsimula ang blackout noong Enero 2 at nagtagal hanggang Enero 5, 2024 dahil sa biglaang pagshutdown ng pinakamalaking coal plant sa isla.

Nangyari din ito noong Abril 2023 kung saan ang Panay Island ang nabalot ng kadiliman dahil sa diumanoy grid disturbances.